Tuesday, November 15, 2005

Ang Umpisa ng Pagbabago ng Aking Buhay..

January 4, 2003 nung una ko siyang nakausap. Tinawagan kasi ako ni Macao habang nasa bahay nila. Si Macao, mag-classmate sila nung nasa seminary pa sya, na-meet ko naman siya nung nag-duty ako St. Camillus Charity. Habang kausap ko si Macao, may sumingit sa phone. "Hello" daw. I asked kung sino yon, si "Francis" daw.

Kinabukasan, tumawag si Francis sa bahay namin. Mula non, araw-araw na kaming nag-uusap. Enjoy akong kausap siya. Nakaka-relate kasi ako sa mga kwento nya, tsaka masaya siya kausap.

Finally, nagkita kami nung February 23, 2003 sa Charity. Ang 1st plan namin, magkikita sana kami sa family day ng seminary. Kaso naman, may school activity pa sila (interaction sa SPQC), kaya 5 pm na siya nakarating. I'd have to admit na gusto ko na siya nung una ko pa lang syang makita. Naka-white pa nga siyang long-sleeves non. Una kong napansin sa kanya yung mahaba tsaka makintab niyang buhok. Mula sa Charity, sumilip kami sa seminary. Tapos bago ako umuwi, dumaan kaming Burger King sa Marikina para kumain. After non, hinatid pa niya ako hanggang Cubao.

Kinabukasan, nagkita ulit kami. Pupunta kasi kaming magpipinsan sa Padi's Point sa Cubao, and i decided to invite him. Masaya ako kasi finally na-meet na siya ng mga cousins ko.

Then March 12, 2003, we finally admitted our feelings to each other. Gusto namin ang isa't isa.

March 26, 2003 ang una naming date. Pumunta kaming Glorietta, kumain sa Mexicali bago manuod ng sine. After non, hinatid niya ako pauwi.

Kinabukasan, nagkita ulit kami. Kasama namin si Villarin, don kami nag-stay sa bahay nila sa Parang. Kinabukasan, nagbyahe na si Francis pabalik ng Pangasinan (bakasyon na).